Sa pag-usad ng panahon,may bahagyang pagbabago sa paggamit ng wikang Filipino at tila hirap ang ilan makisabay dito.Lalo na ang mga nakakatanda dahil alam naman nating ang pagbabago ng wikang filipino ay dahil sa ating mga kabataan.May mga salita naring naibaon na sa limot,at dahil ito sa pag-usbong ng bagong henerasyon may hindi na nauunawaan ng karamihan,may mga salita parin namang bumabalik ngunit ang nakakalungkot iba na ang bigkas o tawag maging ang kahulugan nito.Ngunit ang mahalaga nababago man ang ating wikang Filipino alam naman nating tayo'y nagkakaisa parin.--Jonalyn
Ang nagagawa nitong pagbabago ay kapayapaan ,kaayusa,pagkakaunawaan at pagtutulungan tungo sa maunlad na pamayanan progresong hatid ng wikang Filipino.Dahil sa wikang Filipino nakakagawa tayo ng pagbabago sa ating lipunan kung may pagkakaunawaan at pagtutulunganmagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan na maghahatid ng pagkakaisa ng ating bansa.---Leonard
Sa pagbabago ng wikang Filipino ang bawat Pilipino ay nagkakaunawaan at nakakapahayag ng sariling damdamin gamit ang wikang Filipino.At dahil sa wikang Filipino nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin.Naisusulong din ang katahimikan at kapayapaan sa bawat relihiyon na meron ang bansang Pilipinas.--Roxann
Sa pagbabago ng wikang Filipino malaya tayong sabihin ang ating mga saloobin.Ngunit ang nakakalungkot dito,ang kalayaan nating magsalita ng mga makabagong salita siya naman pagkabilanggo ng sarili nating wika ang wikang Filipino.Kaya marahil marami sa atin kabataan tulad ko ang hindi nakaintindi ng mga malalalim na wikang Filipino dahil kinain na tayo ng sistema ng makabagong wika.--Joannah
Sa pagbabago ng wikang Filipino ito ay dahil sa ating mga naririnig o napapanuod.Dahil kung ano ang ating naririnig ito ang ating ginagaya,kaya kahit ang mga makabagong salita ay ating binibigkas para tawaging sunod sa uso.Tayo mismong mga Pilipino ang nagpapababa ng ating sariling wika.Kaya walang dapat sisihin kung hindi tayo rin.--Jayson
Comments
Post a Comment